Pinangunahan ng Hepe ng Dagupan City Police Station na si PLTCOL Brendon B. Palisoc ang pagbibigay ng seguridad at iba pang serbisyong pangkaligtasan sa publiko sa ginanap na “Abet-Abet ed Olin Inbilay” Easter Sunday Mass kahapon sa Tondaligan Blue Beach, Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.

Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa tulong ng mga tauhan ng PNP na nagsilbing katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga dumalo sa banal na misa.

Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad habang sinisiguro rin ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.

Patuloy ang suporta ng Dagupan City Police sa mga makabuluhang programa at aktibidad ng komunidad bilang bahagi ng kanilang mandato na maglingkod at protektahan ang mamamayan.