DAGUPAN CITY – Pormal nang binuksan ang bagong PNP Station building sa lungsod ng Urdaneta.
Ang naturang pagbubukas ng katatayong estasyon ay pinangunahan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Pangasinan kasama si Police Provincial Office Director na si PCol. Jeff Fanged at ang ilang mga opisyal ng lungsod.
Ayon kay PMaj. Ria Tacderan, ang Information Officer Pangasinan PPO, naging posible ang mga programa ng PNP dahil sa pakikipagtulungan ng LGU, maging ang community at religious sector ng nabanggit na lungsod sa pagkamit sa magandang pagpapatayo ng bagong PNP station sa lungsod.
Dagdag pa rito, tuloy-tuloy naman ang kanilang isinasagawang masive information campaign kontra sa kriminalidad sa buong lalawigan. (with reports from: Bombo Ahrjay Gelo)