Umakyat na sa 51 katao ang arestado sa kasagsagan ng mga isinasagawang rally bago pa man ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 27.

Aniya, hindi pa ito ang pinal na bilang at posibleng madagdagan habang nagpapatuloy ang mga kilos-protesta.

Nanindigan naman si Philippine National Police (PNP) chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na mayroon silang basehan para sa “valid arrest” dahil sa paglabag ng mga ito sa mga lokal na ordinansa.

--Ads--

Ayon sa heneral, kabilang sa mga batas na nalabag ay ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985, at pagsusuot na “balaclava” o takip sa mukha.

Dagdag pa ng PNP chief na nais ng mga otoridad na mapigilan ang panggugulo sa kalsada at maapektuhan ang mapayapang protesta.

Umaasa naman ang hepe ng pambansang pulisya na magiging matiwasay ang mga isinasagawang rally ngayong araw katulad ng naging aktibidad ng Iglesia ni Cristo (INC) kagabi.