DAGUPAN, CITY— Walang nakikitang paglabag ang Calasiao PNP sa alegasyon sa Bombo Radyo ng isang kamag-anak ng nagpakamatay sa naturang bayan noong nakaraang linggo.

Ito ay kaugnay sa paratang ng naturang kaanak nito na ‘pagnanakaw’ ng larawan at pagbansag ng ‘fake news’ nito sa naturang ulat.

Ayon kay PLt. Col. Ferdinand De Asis, hepe ng naturang tanggapan, kanyang sinabi na wala itong nakikitang problema sa inilimbag na artikulo sa website ng ating himpilan hinggil sa naturang insidente.

--Ads--

Aniya, base sa kanyang napanood at narinig ay walang nalabag na anumang batas ang estasyon at nasusunod pa rin ng Bombo Radyo ang ethical standards ng pagbabalita lalot nagmula sa mga impormasyon mula rito ang inilabas na artikulo ng himpilan.

Saad pa ni De Asis, mas mabuti na lamang umano na nakipag-usap ng maayos ang nabanggit na kaanak nang sa gayon ay mas maayos aniya na natalakay ang detalye ukol sa gagawing aksyon sa naturang artikulo at larawan.

Tinig ni PLt. Col. Ferdinand De Asis, hepe ng Calasiao PNP

Nangako naman ang naturang opisyal na makikipagkoordina ito sa naturang pamilya ukol sa usapin.

Tinig ni PLt. Col. Ferdinand De Asis, hepe ng Calasiao PNP

Simula noong araw ng linggo, ay nagsimula nang magpadala ng mensahe ang naturang indibidwal sa facebook page ng Bombo Radyo kaya naman agad na nagbigay ng aksyon ang ating himpilan sa usapin.

Laman ng kaniyang mensahe ang tila pagbabanta at arogante kaugnay sa nais nitong mangyari sa aritikulong inilimbag ng Bombo Radyo.