Dagupan City – Nagsagawa ang Binmaley Municipal Police Station (MPS) ng comprehensive inspection at evaluation sa mga bagong-install na directional signages sa mga natukoy na lugar sa Binmaley, Pangasinan noong Agosto 19, 2026.

Katuwang ng PNP Binmaley sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa RLRDD, PBAS-RCD, REU 1, IMEG-RIU 1, NAPOLCOM Region 1 at Pangasinan PARMU-LSS. Layunin ng inspeksyon na matiyak na maayos at epektibo ang pagkakalagay ng mga directional signage para magsilbing malinaw na gabay sa mga motorista at publiko.

Sinuri sa aktibidad ang wastong pagkakalagay, visibility, kondisyon, pagiging malinaw at legibility ng mga signage, gayundin ang kanilang functionality upang matiyak na madaling makita at maunawaan ng mga gumagamit ng kalsada.

--Ads--

Bahagi ang inspeksyon ng patuloy na pagsisikap ng PNP Binmaley na mapalakas ang road safety, mapabuti ang public assistance at matiyak ang maayos na daloy ng serbisyo at seguridad sa komunidad.koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mga residente.