DAGUPAN CITY- Ipinakita ng Dagupan City PNP at Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan ang kanilang buong suporta sa pagpapatupad ng total ban sa paggawa ng paputok sa syudad.

Ayon kay City Firemarshall FCInsp. Jun Eland Wanawan, dalawang illegal na pagawaan ng paputok ang naging dahil ng malakas na pagsabog sa syudad noong nakaraang taon, nauna sa Brgy. Tebeng at sumunod naman ang Brgy. Bacayao Norte.

Iminungkahi naman niya ang pagtatalaga ng designated area sa bawat barangay kung saan maaari lamang magpaputok ang publiko at paglayo pa ng mga bentahan ng legal na paputok sa mga istraktura para sa karagdagang kaligtasan ng mga tao.

--Ads--

Buo naman nilang susuportahan ang hanay ng kapulisan para sa confiscation ng mga illegal na paputok.

Samantala, humihiling si PLtCol. Michale DG Bautista ng tulong mula sa Explosive Ordnance Disposal (EOD) sa pagsira ng mga confiscated illegal fireworks.

Ani Bautista, wala silang training hinggil sa pagsira ng mga ito.