DAGUPAN, CITY— Patuloy pa rin ang pagtugis ng pinagsanib pwersang hanay ng AFP at PNP Pangasinan sa mga 40 na miyembro ng New Peoples Army (NPA) na una na nilang nakaenkwentro sa bayan ng Mangatarem.

Ayon kay Pangasinan PNP Provincial Director PCol. Redrico Maranan, base sa ulat ng kanilang ground commander sa naturang lugar ay tuloy tuloy umano ang pagsasagawa nila ng hot pursuit operation upang mahuli ang mga armadong grupo.

Aniya, hindi din madali ang ginagawa nila ngayong clearing operation sa mismong lugar ng engkwentro dahil ektaryang lupa umano ito at may ilang parte din doon ang matarik o di kaya’y malalim. Iniingatan din nilang maigi ang naturang hakbang dahil sa posibidad ng panibagong engkwentro at ambush sa mga kini-clear na mga lupa.

--Ads--
Tinig ni Pangasinan PNP Provincial Director PCol. Redrico Maranan

Saad ng naturang opisyal, nakumpirma nilang mga miyembro ang mga naturang indibidwal na komunistang grupo dahil may mga naitala nang ulat sa naturang bayan ng presensya ng mga NPA base na rin aniya sa mga panayam at pagrereview ng AFP.

Tinig ni Pangasinan PNP Provincial Director PCol. Redrico Maranan

Matatandaang bandang alas-5:30 ng umaga ng Nobyembre 24 nang nakaenkuwentro ng mga miyembro ng 702nd Infantry Division ang mga hinihinalang miyembro ng Kilusang Tarzam na isang rebeldeng paksyon ng NPA sa Brgy. Lawak Langka.