Tuloy tuloy ang Land Transportation Office sa buong rehiyon uno sa pamamahagi ng mga plaka sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na caravan -ang programang “OPLAN: Stop, Plate, and GO”, kung saan direktang ibibigay sa mga motorista ang kanilang mga plaka sa pagtungo ng opisina sa kanilang mga kumunidad.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na pangako ng opisina na pagbutihin ang paghahatid ng serbisyo publiko at ang kampanya na linisin ang mga backlog sa pag-isyu ng plaka at ang layunin nitong siguraduhin ang mabilis at maayos na proseso ng pagkuha ng plaka para sa mga motorista.

Pinapayuhan ang mga motorista na regular na suriin ang opisyal na Facebook page ng LTO Rehiyon 1 o bisitahin ang pinakamalapit na LTO district office para sa mga update sa iskedyul ng distribusyon at mga kinakailangang dokumento para sa pagkuha ng kanilang mga plaka.

--Ads--

Habang patuloy na ginagawa ang Plate Distribution Caravan sa buong bansa, nananatiling matatag ang LTO sa misyon nitong palakasin ang mobility, itaguyod ang kaligtasan sa kalsada, at maghatid ng serbisyo publiko nang may integridad at kahusayan.