Masyadong magmumukhang desperado ang mga mamamayan kung ang magiging espesyal na handa sa darating na bagong taon ay magsasaing ng basag na bigas o ang tinatawag na ‘sulit rice’.

Habang hindi naman makakasabay ang mga pangkaraniwang mamimili sa tinatawag na ‘nutri-rice’ o ang brown rice.

Ito ay kaugnay sa plano ng Department of Agriculture (DA) na maglabas ng bagong rice varieties na tinatawag na “sulit rice” at “nutri rice”, na ibebenta sa mas mababang presyo bilang “New Year offering” sa mga Pilipino.

--Ads--

Ayon kay Leonardo Montemayor National Chairman, Federation of Free Farmers sa pakiwari niya ay hindi maganda ang dating nito kung quality rice ang usapan ay bakit ganito ang i-ooffer.

Bagama’t sa bansang Vietnam ay pagkain lamang ito ng mga hayop gaya na lamang ng mga alagang baboy.

Kung sakaling magkakaroon ng ganitong uri ng bigas at ibebenta sa mas murang presyo ay babagsak din ang presyo ng palay na binibili sa mga magsasaka.

Giit pa niya na nakikiisa naman ang kanilang grupo at umaasa na magkakaroon ng abot kaya na presyo ng bigas. Subalit aniya ay pag-isipan ito ng mabuti at siguruhing hindi nasasakripisyo ang kapakanan ng mga magsasaka.