DAGUPAN CITY – Justified lamang ang planong pag-angkat ng 8,000 metric tons ng isda lalo na at maraming mga nasirang pangisdaan dahil sa epekto ng bagyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dr. Westley Rosario -Chairman, Board of Fisheries at Professional Regulation Commission nagkaroon sila ng inspeksiyon sa ilang mga lugar at sa bahagi ng Sorsogon naman ay nasira ang facilities ng BFAR nangangahulugan na napakalakas talaga ng bagyo.

Kaugnay nito aniya ang tuloy-tuloy na pagtama ng bagyo kung saan kapag malamig ang panahon ang paglaki ng isda ay hindi normal kung saan nagiging mabagal at hindi masiyadong makapangitlog ang mga ito.

--Ads--

Kaya’t naroon ang pangamba na baka magkulang ang suplay ng isda sa bansa lalo na at papalapit na ang pasko.

Samantala, hinihikayat naman nito ang lahat na magkaroon ng artisinal fisheries and aquaculture upang makapangalaga parin ng isda kahit small-scale lamang.

Bagamat ay prone to damage kapag masyadong malaki ang pangisdaan lalo na sa bagyo ay mabisang paraan ang aquatic marine production upang maensure ang sufficiency ng pagkain sa bansa.

Kaya’t panawagan nito na ayusin ang produksiyon at magturo ng post harvest technologies upang magamit sa panahon na kulang ang isda.