Dagupan City – Nakababahala umano ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na personal umanong tututukan ang buong proseso ng 2026 national budget.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, ito’y dahil posibleng matulad umano ang nangyari noong nakaraan sa rehimen ng ama ng pangulo na si dating President Ferdinand Marcos Sr.
Binigyang diin ni Yusingco na hindi dapat mangialam ang pangulo sa pag-upo sa Bicameral Conference Committee hinggil sa budget.
Aniya, isa itong violation sa power principle at maituturing na unconstitutional.
Malaki rin umano aniya ang posibilidad na maisip na mayroong frustration ang administrative branch, at gustong mag signal ang pangulo na next budget ay mananaig ang pinresenta ng executive branch.
Dito rin tinawag ni Yusingco na isa itong ‘dictatorial move’.
Ipinaliwanag din nito na sa usaping budget ng pamahalaan, dapat ay hindi nawawala at naisasantabi ang transparency at accountability dahil kung hindi ay hindi ito angkop sa demokrasya na kinabibilangan ng bansa.
Nauna naman nang nilinaw ng pangulo na nais nitong umupo sa BiCam para matiyak na naaayon sa mga prayoridad ng gobyerno ang ipapasang panukalang pambansang badyet at tanging ang mahahalagang proyekto lamang ang maisasama sa pinopondohan.