Kinumpirma ni Martin Diño, undersecretary ng DILG for Barangay Affairs na kasalukuyang nasa preventive suspension na ang pitung barangay official mula sa ilang bayan sa Pangasinan dahil sa anomalya sa pamamahagi at pagpapatupad ng social amelioration program.
Ayon kay Diño, ang mga nabanggit na barangay officials ay kabilang sa 89 na punong barangay ang napatawan ng suspension sa loob ng anim na buwan.
Sa kasaluikuyan ay may mahigit limang daang kaso na inihain sa ombudsman. Sa mahigit limang daang kaso, isang daan ang pormal na isinampa sa ombudsman.
Ipinaliwanag ni Diño na siya lang ang nag iimplementa at ang Office of the ombudsman ang nagsuspindi sa naturang mga barangay officials.
Ang pagsuspindi sa mga ito ay may kinalaman umano sa kuwestyunableng pamamahagi ng SAP at kasama na rin ang paglabag sa protocol.
Matatandaan na ang mga napatawan ng suspension ay mula sa apat na barangay sa bayan ng Binmaley na kinabibilangan ng barangay Gayaman, Caloocan Norte, San Isidro Norte at Balogo, barangay San Vicente sa bayan ng San Jacinto, barangay Cablong, Santa barbara at barangay Calunutan sa bayan ng Rosales.