Hindi bababa sa pito ang nasawi at ilan pa ang sugatan matapos ang overnight missile at drone attack ng Russia sa rehiyon ng Kyiv, ayon kay Interior Minister Ihor Klymenko.

Sa isang social media post, iniulat ni Klymenko na tinamaan sa pag-atake ang mga residential area, ospital, at ilang pasilidad na pang-isports.

Ayon naman kay Kyiv Mayor Vitali Klitschko, anim sa mga nasawi ay mula sa isang high-rise building sa kabisera.

--Ads--

Kung saan 22 katao ang nasugatan sa nasabing lungsod.

Habang nangyayari ang patuloy na tensiyon, inaasahang bibisita naman si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa London nitong Lunes upang makipagpulong kay UK Prime Minister Keir Starmer hinggil sa military support ng Britain para sa Ukraine.

Sa pinakahuling ulat ng Ukrainian Air Force, umabot na sa 352 Russian drones at 16 missiles ang tumarget sa teritoryo ng Ukraine, karamihan ay sa rehiyon ng Kyiv.