BOMBO DAGUPAN – Nasa pitung barangay na lang mula sa 16 ang natitirang apektado ng pabaha sa bayan ng Calasiao.

Ayon kay Kristine Joy Soriano — LDRRMO III, Calasiao MDRRMO, tuloy tuloy na ang pagbaba ng tubig sa Marusay River dahil sa gumagandang panahon.

Sa ngayon ay puwede nang lakarin ang lugar at ang pinakamalalim na namonitor ay hanggang tuhod.

--Ads--

Samantala, nakauwi na rin at nakabalik sa kanilang tahanan ang lahat ng evacuees.

Passable na rin lahat ng kakalsahan.

Gayunman, mahigpit pa rin nakabantay ang kanilang tanggapan dahil sa binabantayang bagong sama ng panahon.

Nanawagan naman siya sa mga residentye na manatiling nakaantabay at maghanda sa posibleng epekto ng sama ng panahon.