Muling humina ang halaga ng piso matapos magsara sa P59.22 kada dolyar ngayong Martes, Disyembre 9, 2025.
Ito na ang pinakamababang antas na naitala sa kasaysayan ng bansa.
Nalampasan nito ang dating rekord na P59.17 na naitala noong Nobyembre 12, 2025.
Naitala ang pagpasok ng taon na nasa P55 kada dolyar ang palitan, ngunit patuloy itong nanghina sa mga sumunod na buwan dahil sa tumataas na inflation at sa mas lumalakas na dolyar sa pandaigdigang merkado.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng pag-akyat ng halaga ng dolyar ay ang matataas na interest rate ng US Federal Reserve, na nagdulot ng matinding pressure sa mga ekonomiya ng mga emerging market, kabilang ang Pilipinas.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), patuloy nilang mino-monitor ang galaw ng merkado at handang magsagawa ng kinakailangang hakbang upang mapanatili ang katatagan ng piso.
Dahil sa paghina ng lokal na pera, aasahang tataas ang presyo ng mga inaangkat na bilihin tulad ng langis at mga produktong pagkain, na direktang makakaapekto sa gastusin ng mga Pilipino sa pang-araw-araw.










