Nagbabala ang pinuno ng militar ng Iran ng isang “decisive” na tugon matapos ang pagkamatay ni Ali Larijani, ang pinakamatataas na opisyal na napatay mula nang pamunuan ni Supreme Leader Ali Khamenei ang bansa.

Samantala, iniulat ng militar ng Estados Unidos na gumamit ito ng malalakas na “deep penetrator” na bomba upang tamaan ang mga Iranian missile site sa kahabaan ng Strait of Hormuz.

Patuloy ang mga retaliatory strike ng Iran at ng mga kaalyadong militia groups nitong nakaraang gabi.

--Ads--

Sa Israel, dalawang tao ang namatay sa Tel Aviv dahil sa “matinding sugat mula sa shrapnel,” ayon sa serbisyo ng ambulansya.

Sa Lebanon naman nagsagawa ang Israel ng serye ng mapaminsalang airstrike sa gitnang Beirut at nag-utos ng mga evacuation sa timog Lebanon, habang ipinagpapatuloy nito ang opensa laban sa Hezbollah.