DAGUPAN CITY- Umabot na sa higit P3 billion ang naitatalang pinsala sa imprastraktura sa rehiyon uno dulot ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Laurence Mina, Director ng Office of Civil Defense (OCD) Region 1, batay ang kanilang datos sa isinagawang rapid damage assesment sa lalawigan ng Pangasinan at La Union, at hindi pa ito umaabot sa Ilocos Sur.

Aniya, umaabot naman sa 650 ang partially damaged na silid aralan sa rehiyon at 338 naman ang tuluyang napinsala.

--Ads--

Samantala, nakapagtala ng 1 nasawi sa bayan ng San Juan, sa La Union habang bumabayo ang bagyong Emong.

Ito ay isang 12 anyos na batang lalaki at nasawi dahil nabagsakan ng punong mangga ang kanilang bahay habang sinusubukan nilang lumikas.

Batay pa sa kanilang datos, nananatili pa sa evacuation centers ang mga 4,436 na pamiya o 17,000 indibidwal.

Habang nasa 2.4-thousand na pamilya ang pansamantalang naninirahan muna sa mga kapamliya o kakilalang nasa ligtas na lugar ang kabahayan.

Nabanggit din ni Mina may mga bayan pa na hindi pa naibabalit ang linya ng kuryente sa mga kabahayan at paputol-putol naman ang linya para komunikasyon.

Aniya, patuloy nagkakaroon ng efforts para maibalik ang mga ito.

Sa isinagawang pagpupulong ng OCD Region 1, kasama ang kaugnay na mga ahensya, maliban sa mga nasabing pinsala ay napag-usapan ang iba’t ibang programa na maaaring ihatid sa mga apektado.

Habang nagtulong-tulong naman ang mga OCD mula iba’t ibang panig ng bansa upang maghatid ng suporta sa Rehiyon Uno.

Kabilang sa kanilang mga natanggap ay ang malinis na tubig mula Tarlac.