Dagupan City – Umaabot na sa daan daang milyong peso ang naiwang pinsala ng hagupit ni bagyong Kristine sa lalawigan ng Pangasinan.

Batay sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng lalawigan ng Pangasinan, nasa P240,236,393 ang naitalang danyos sa agrikultura habang P622,050,000 naman sa imprastraktura. Sa ngayon patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng opisina para sa kabuoang danyos dulot ng naturang bagyo.

Matatandaan na umabot sa 51 barangay o katumbas ng 10 munisipalidad ang lubog sa baha habang may 33 barangay naman at 2 syudad at 7 bayan amg nakaranas ng storm surge.

--Ads--

Nagdulot din ng pansamantalang kawalan ng suplay ng kuryente sa 14 na munisipalidad habamg at 9 na barangay ang naitala na hindi madaanan.

Samantala, ma kabuoan na 36,185 pamilya o katumbas ng 150,469 na indibidwal ang naapektuhan sa lalawigan kung saan may inilikas na 581 na pamilya o katumbas ng 2 libong indibidwal sa kanilang tahanan na dinala sa evacuation center at ang iba ay pansamantalang nanuluyan sa kanilang kamag anak sa kasagsagan ng bagyong Kristine.

Tanging ang syudad ng Dagupan ang nagdeklara ng state of calamity sa Pangasinan.

Sa kasalukuyan patuloy pa ring binabantayan ang lagay ng panahon dahil sa sama ng panahon na maaaring pumasok sa bansa.