Dagupan City – Pumalo na sa mahigit P50 Milyon sa kabuuan ang bilang ng pinsalang dulot ng bagyong Crising, Dante, at Emong sa mga sakahan at imprastrakturang pang irigasyon sa Pangasinan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. John Molano, Division Manager ng Pangasinan Irrigation Management Office (PIMO) ang mga ito ay kinabibilangan ng naranasang mga nagdaang bagyo.

Kung saan sa nagdaang mga bagyo umabot sa 2,084 heactares ng sakahan ang napinsala.

--Ads--

Samantala, hinggil naman sa imprastraktura, ang tatlong bagyo ay nagdulot ng aabot sa higit P27 Milyon at inaasahang tataas pa.

Ang mga naapektuhan nito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Balungao, Umingan, Laoac, Bolinao, Aguilar, at Bugallon.

Paliwanag ni Molano, karamihan ng mga nasira rito ay ang communal irrigation system o system na minamanduhan ng mga magsasaka sa lalawigan.

Dagdag pa niya, na ang mga pangunahing nasirang bahagi rito ay ang canal lining at back bend debris na dulot ng biglaang malalakas na buhos ng tubig-ulan.

Pag-amin naman ni Engr. Molano, matatagalan pa bago ang pagbangon o pagkumpleto ng pagsasaayos sa mga damaged infrastructure ng mga irigasyon dahil malawak ang mga naging pinsala at hindi basta-basta ang restoration ng mga ito.

Kung ikukumpara kasi aniya noong nakaraang taon, mas malaki ang naging pinsala ngayong taon sa mga irigasyon at taniman.