Hindi nakaligtas ang mga tanim na palay, gulay mga alagang isda at iba hanapbuhay ng mga magsasaka at mangingisda lungsod ng Alaminos sa pinsala na dulot ni Bagyong Kristine.
Ayon kay Arceli B. Talania- City Agriculturist Officer, Alaminos City na pinadapa ng malakas na hangin ang lahat ng mga tanim na palay, kabilang na rin ang saging at papaya sa kanilang syudad at base sa kanilang datos ay nasa 28 milyong piso na halaga na ang kanilang nakalap habang sa fishery sector naman ay umabot na sa 33 milyong pisong halaga dahil sa mga umapaw na palaisdaan.
Sa ngayon ay partial pa lamang ang mga ito dahil patuloy pa rin ang pagsasaagwa ng kanilang tanggapan ng assessment sa iba pang mga brgy na hindi pa nila napupuntahan at nakikita nang kabuuan ang napinsala.
Samantala, umaasa pa rin ang ilang mga magsasaka nito na mayroon pa rin silang maisasalba Kahit papaano mula sa kanilang tanim.
Habang ang mga alaga naming isda ng iba ay Malaki rin ang Nawala at nalugi sa mga ito
Aniya na Kahit ang mga tanim na gulay ay nasira rin dahil sa malakas na hangin at ulan na dulot ni bagyong Kristine.
Kaugnay naman nito ay magsasaagwa ng pagpupulong ang City Agriculture office at Lokal na pamahalaan ng syudad sa lunes para sa tulong at plano para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa kanilang nasasakupan. Handa naman ang knailang tanggapan sa anumang tulong na kakailanganin ng kanilang nasasakupan dahil sa bagyong Kristine.