DAGUPAN CITY– Umaabot na sa mahigit P5 milyon ang naitalang pinsala sa mga palayan sa lalawigan ng Pampanga bunsod ng mga pag-ulang dulot ng Severe Tropical storm Liwayway at Habagat.

Sa bayan ng Candaba ay nakapagtala na ng P 4,402, 143.60 na danyos sa mga palayan doon habang P1, 249, 956 sa bayan ng Magalang.

--Ads--

Dahil dito marami ng magsasaka ang umaaray dahil sa kanilang pagkalugi.

Samantala nananatili namang nakakaranas ng pagbaha ang nasa 33 barangay sa lalawigan na nagmumula sa bayan ng San Simon, Macabebe at Masantol.