Umaabot na sa P3.3 billion ang pinsala ni Severe Tropical Storm Kristine sa mahigit 38,000 eskuwelahan sa buong bansa.

Ayon sa partial data ng Department of Education (DepEd) sa epekto ni ‘Kristine’, mangangailangan ng P2.7 billion para sa reconstruction mga silid aralan na winasak ng bagyo, at P680 million para sa major repairs.Ayon sa partial data ng Department of Education (DepEd) sa epekto ni ‘Kristine’, mangangailangan ng P2.7 billion para sa reconstruction mga silid aralan na winasak ng bagyo, at P680 million para sa major repairs.

Nasa kabuuang 2,700 na silid aralan ang totally damaged ni ‘Kristine’, habang 1,361 ang nagtamo ng partial damage.

--Ads--

May 861 eskuwelahan din ang nag-ulat ng secondary hazards tulad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa kabuuan, 38,333 eskuwelahan ang kinailangamg magsuspinde ng face-to-face classes dahil kay ‘Kristine’, na nakaapekto sa 19.4 milyong mag-aaral at 786,726 teaching and non-teaching personnel.

Sa kasalukuyan, 1,047 eskuwelahan ang ginagamit bilang evacuation centers.

Nauna na ring nagpahayag ng pagkabahala ang kalihim sa suspensiyon ng in-person classes dahil sa natural disasters dahil maaari itong magresulta sa paglawak ng learning losses.

Gayunman, ipinauubaya na ni Angara sa mga principal kung kailangan nilang magsagawa ng Saturday classes para sa kanilang mga estudyante.