Aabot na sa halos P60.5 milyong ang halaga ng pinsalang naidulot ng Bagyong Fabian at pag-ulang idinulot ng habagat sa sektor ng agrikultura kasama na dito ang pangingisda sa buong Rehiyon uno.
Ayon sa Department of Agriculture Director Region 1 na si Nestor Domenden na sa lalawigan ng Pangasinan aabot sa 34.7 hectares na palayan ang totally damaged habang 1,163 hectares naman ang naitalang partially damaged. Malaki umano ang pinsala ng mga pag-ulan sa mga gulay kung saan aabot P2 milyon ang pinsalang nadatos.
Ipinahayag din niyang dahil sa walang tigil na pag-ulan ay ilang mga magsasaka at maningisda ang nahirapan kung kaya’t may mga nakahandang inisyal na interbensyon ang departamento tulad ng pagkakaroon ng sapat na imbak ng mga ayuda na ipamamahagi sa kanila.
Patuloy rin umano ang pakikipag-ugnayan nila sa mga local government units para sa mas mabilis na paghahatid ng mga impormasyon.
Pinaiigting na rin umano ang pagmomonitor sa mga lugar na maaaring mapinsala ng mga susunod pang bagyo.