DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng Pinggang Pinoy Cooking Contest mula sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) na mula sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod ng Dagupan na ginanap sa astrodome sa siyudad, kung saan pinangunahan ito ng Center Health Development Ilocos Region Sa pakikipagtulungan ng Public Health Unit R1MC Dagupan City, ng programang “Ligtas Pasko 2024”.
Ayon kay Ms. Juvelyn Juaiting, Nutrition Dietician V ng Region 1 Medical Center, ito ay patungkol sa kahalagahan ng malusog na hapagkainan ngayong panahon ng Kapaskuhan. Layunin ng naturang paligsahan na turuan ang publiko, lalo na ang mga Barangay Nutrition Scholars upang bigyang-diin ang programa ng tamang pagkain na dapat nasa pinggan ng bawat Pilipino.
Ang mga kalahok sa contest ay kailangang magpakita ng mga pagkaing gamit ang “Go, Glow, Grow” food groups o ang mga masusustansyang pagkain na mahalaga para sa isang balanseng diet sa katawan ng tao.
Samantala, binigyan ng mga food items ang bawat grupong nakilahok na nagkakahalaga ng 1000 pesos, at nakadepende na sakanila kung paano ihahanda ang kanilang putahe gamit ang mga ingredients na kanilang nakuha.
Ang mga criteria naman para makamit ang panalo sa naturang content ay kinabibilangan ng presentasyon ng pagkain, pagiging orihinal, kalinisan, at kung gaano kalusog ang pagkaing inihanda ng mga barangay nutrition scholar sa lungsod.
Sa naturang competition, nanguna ang Grade 5 – na may premyong 8,000 dahil ayon sa mga hurado, sila ang pasok sa mga criteria na kailangan upang manalo sa naturang competition habang ang grade 2 bilang 2nd place na mag uuwi – 6,000 pesos at ang Grade 3 para sa 3rd place na mag uuwi naman ng – 4, 000 pesos.
Dagdag pa ni juaiting, na ang naturang programa ay isang paalala sa lahat na mag-obserba ng malusog na pagkain, lalo na ngayong papalapit na ang Pasko at Bagong Taon. Hinikayat din nito ang disiplina sa pagpili ng mga tamang pagkain sa mga handaan.