Dagupan City – Inaabangan ngayon ang ipapakitang performance ni Pinay Weightlifter Elreen Ando sa kaniyang laban bukas sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics.
Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, maaring kagaya ito ni dating Gold medalist Hidilyn Diaz kung saan ay ginulat nito ang publiko sa kaniyang ipinakitang performance sa score nitong 127kg na tinawag na clean and jerk performance kung saan ay umani ito ng 224kg total lift.
Samantala, sinabi naman nito na bagama’t hindi maiwasan ang racisim sa event, kung saan may portion na parang naihalintulad ang trato kay Nesthy Petecio kay Filipino retired boxer Mansueto “Onyok” Velasco Jr., binigyang diin ni Valdez na huwag na lamang mag-focus sa negatibong bagay kundi sa pagkapanalo at pagkakasungkit nito ng bronze medal.
Bagama’t hindi na nagawang makaabante ni Petecio upang ipaglaban ang gintong medalya matapos nitong matalo sa kamao ni Polish Boxer Julia Szeremeta sa pagtatapat nila sa Women’s 57kg Boxing Divisio, ipinakita naman nito ang kaniyang lakas at dedikasyon sa laro.