Feeling nasa cloud nine pa rin hanggang sa ngayon ang pinay nurse na nakatanggap ng prestihiyosong George Cross award sa United Kingdom.


Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay May Parsons, bukod sa pagkakatanggap ng pagkilala hindi nito lubos akalain na makakadaupang palad nito si Queen Elizabeth II lalo na’t isang malaking personalidad ang nag-aabot sa kaniya ng parangal.

Inilarawan pa nito bilang mabait at magandang makitungo ni Queen Elizabeth 2 .

--Ads--


Si Parson ang naging kinatawan ng National Health Service, ang healthcare service ng UK at kaniya ring ipinabatid na isang malaking karangalan ang mairepresenta ang buong commuity ng Filipino nurses.

Ang George Cross ay siyang pinakamataas na civilian award na binibigay ng British government bilang pagkilala sa katapangan, pagiging mahabagin at dedikasyon ng mga empleyado sa panahon ng pandemya.

Saad pa nito na isang malaking bagay na mas nabibigyan na ng pagkilala ang bawat kabayanihan ng mga Pilipinong nagtratrabaho sa hanay ng kalusugan sa buong mundo.