Negatibo sa unang test ang isang pasyente na hinihinalang may Covid-19 sa bayan ng Calasiao at kasalukuyang hinihintay ang 2nd opinion ng kanyang pangalawang test upang masiguro na hindi natamaan ng sakit.

Ito ang paglilinaw ng mga kinauukolan sa Barangay Nagsaing sa bayan ng Calasiao matapos umugong ang balita hinggil sa isang residente doon na galing sa Saudi na umano’y sumuka at nahihilo.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Barangay Captain Jose Paris Jr., ang naturang pasyente ay isang nurse sa Riyadh at kakauwi lamang sa Calasiao at nang dumating ito sa bansa ay nakaranas ng ilang sintomas ng sakit.

--Ads--

Ayon naman sa magulang ng pasyente posibleng nakaranas lamang ito ng pagkahilo dahil sa unang beses pa lamang siyang nangibang bansa at baka hindi pa ito sanay sa biyahe.

Sa ngayon ay naka-admit kasama ang kanyang mga magulang na naka-quarantine sa isang pagamutan dito sa lalawigan ng Pangasinan ang naturang biktima.