Dagupan City – Pinahanga ni Pinay boxer representative Aira Villegas ang publiko sa kaniyang ipinakitang performance matapos talunin si Yasmine Mouttaki ng Morocco sa women’s 50kgs.
Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent Paris sa France, namangha sila sa ipinakitang taglay na galing ni Aira dahil sa determinasyon nito na manalo sa nasabing kategorya.
Mararamdaman din aniya ang suporta, hindi lamang ang suporta ng mga Pilipino kundi maging ang mga tao sa pinagganapan ay gano’n na lamang ang sigawan sa kaniya.
Matatandaan na simula pa lamang ng laro ay naging agresibo na ang bawat panig kung saan nagpalitan sila ng mga suntok. Kung saan ay binalaan pa ng referee ang Morrocan boxer dahil sa labis na pagdikit nito sa Pinay boxer.
Samantala, straight 10 naman ang score nito sa round 1 habang sa round 2 ay muling bumawi ang kalaban niya ngunit umangat muli si Aira sa round 3.