Dagupan City – Nakapasok na mismong araw ng kaniyang kaarawan si Pinay Boxer Aira Villegas sa quarterfinals.

Ito’y matapos talunin si Algerian Boxer Roumaysa Boualam sa Round of 16 Women’s 50kg Boxing Division sa Paris Olympics 2024.

Ayon kay Leo Brisenio, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, sa umpisa pa lang ay ipinakita na ni Vilegas ang kaniyang galing. Dahil dito ay mag-aadvance si Aira sa sa quarterfinals ng boxing.

--Ads--

Isa naman sa naging taktika ni Aira ay ang paglayo sa kaniyang kalaban at saka papaulanan ito ng suntok.

Kaugnay nito, pasok din umano si Nesthy Petecio, at mag-aadvance na rin ito sa preliminary round.

Samantala, tila panalo ito sa kategorya ng boxing dahil pasok din sa quarterfinals si Filipino Boxer Carlo Paalam,laban sa kaniyang Irish opponent.

Isa sa performance ng boxer na nagpahanga naman sa mga hurado ay ang kaniyang ipinakitang bilis, suntok, at accuracy ng kaniyang galaw.

Sa kabilang dako, bagama’t hindi nakaabante si Carlos Yulo sa men’s artistic all-around finals, patuloy pa rin ang paghahanda nito upang sumabak sa floor exercise finals sa Agosto 3 at vault finals sa Agosto 4.