Tumama ang pinakamatinding pag-ulan ngayong taglamig sa Southern California nitong Huwebes, kung saan nagdala ito ng ilang pulgadang ulan sa ilang lugar gayundin ang banta ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang mga rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos pagsapit pa lamang ng hapon ng Huwebes, naglabas na ang National Weather Service ng mga babala sa flash flood sa Malibu at Pacific Palisades, dalawang komunidad na lubos na napinsala sa Palisades fire noong nakaraang buwan.
Kasunod nito, nag-isyu rin ng parehong babala sa Altadena area, kung saan libu-libong estruktura ang nasira ng Eaton fire, pati na rin sa malaking bahagi ng Los Angeles County, na nakaapekto sa humigit-kumulang pitong milyong tao.
Dahil ang mga ito ay naapektuhan ng wildfire noong nakaraang buwan ay nagkaroon din ng mga soil erosion lalo na ang mga tubig ulan ay dumadaloy pababa mula sa bundok.
Aniya na puros mga putik ang mga daanan sa California dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Bagama’t ay kakaunti lamang ang nag-evacuate subalit nagpaalala parin ito na dapat ay laging maging resilient at maging handa hinggil sa mga ganitong pangyayari.