DAGUPAN CITY- Pumanaw na si Tomiko Itooka, ang pinakamamatandang tao sa buong mundo, sa edad na 116.
Si Itooka, na ipinanganak noong Mayo 1908—anim na taon bago ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Noong Setyembre 2024, ipinagdiwang si Itooka bilang pinakamamatandang tao sa mundo at iginawad sa kanya ang opisyal na sertipiko mula sa Guinness World Records.
Isang pribadong seremonya ang isinagawa ng kanyang pamilya at mga kaibigan bilang huling paggalang sa kanya.
Ayon sa pinakahuling datos, may higit sa 95,000 tao sa Japan na may edad 100 o higit pa, at 88% sa kanila ay kababaihan.
Sa kabuuan ng 124 milyong katao sa Japan, isang katlo ay may edad 65 pataas.
Sa kasalukuyan, ang Brazilian nun na si Inah Canabarro Lucas, na ipinanganak 16 araw pagkatapos ni Itooka, ang itinuturing na bagong pinakamamatandang tao sa mundo, na ngayon ay 116 taon na rin.