Mga kabombo! Adventurous ka ba at mahilig sa horror, thrill, at jumpscares? Baka ito na ang iyong “time to shine.”

Nag-aalok ng $5,000 prize o halos P300,000 ang isang kilalang hotel sa Las Vegas na El Cortez Hotel sa sinuman mananatili ng buong weekend sa loob ng kanilang pasilidad.

Bibigyan nila ng kumpletong ghost-hunting gear ang mapipiling kalahok at iimbestigahan nito ang paranormal activities.

--Ads--

Ang pa-contest nila ay bilang pakikisabay sa nalalapit na spooky season.

Ang kanilang hotel kase ay kilala bilang pinakamatanda at di umano’y “pinaka-haunted.”

Sila rin ang long-running hotel casino sa Las Vegas na matatagpuan sa Fremont Steeet.

Marami na umano ang nangyari sa hotel simula nang magbukas noong 1941, kabilang na ang paggulo ng mga mobsters, pagpaslang, at maging mga paranormal activities.

Marami umano ang nakakarinig ng mga yapak ng tao kahit wala naman naroroon, gayundin sa mga nakakakita umano ng mga anino.