Mga kabombo! Kumasa ka na rin ba dati sa nausong trend na “Ice Bucket Challenge”?

Kung hindi mo ito inatrasan, G ka rin ba sa trip ng isang lalaki sa Andermatt, Switzerland?

Higit pa sa lamig ng Ice Bucket Challenge ang kaniyang tinanggap dahil para makamit ang isang record, tila inilibing nito ang kaniyang katawan sa nanlalamig na snow.

--Ads--

Sa isang nagne-nyebeng bulubundukin, tinabunan ng snow si Elias Meyer, isang Swiss competitive powerlifter, upang makamit ang titulong may pinakamahabang oras sa isang full body contact sa snow.

Hindi ito biro dahil umabot sa 3°C ang temperatura nang kaniyang gawin ito.

Bagaman nakakamanhid sa lamig, hindi ito ang nagpahinto sa kaniya upang patunayan ang kakayahan ng isang katawan ng tao para gumawa ng kakaibang mga bagay.

Matagumpay naman niyang nahigitan ang record ni Valerjan Romanvoski ng Poland noong 2022 kung saan tumagal ito ng 1:45:02.

Si Meyer ay tumagal ng 2:00:07.