Ibinahagi ni Hazel Ann Cledera, bombo International News Correspondent sa South Korea na labis na naapektuhan ng labis a pagbaha ang Seoul, South Korea.
Ayon kay Cledera, naitala sa Seoul ang pinamakataas na lebel ng tubig sa kasaysayan ng South Korea.
Saad niya na isa’t kalahating taon na siyang namamalagi sa nasabing bansa at ito ang unang pagkakataon na maranasan ang malaking baha sa nasabing bansa.
Hindi siya makapaniwala na maranasan ito ng nasabing bansa dahil maayos naman ang mga kalsada at drainage system kaya ang kanyang pagkakaalam ay maaring epekto ng climate change.
Nabatid na nagsisimula ang tag ulan doon sa buwan ng July at kadalasan buwan na ng Agosto nararanasan ang matinding pag ulan.
Nagpapaalala naman ang pamahalaan sa kanilang mga mamamayan doon na mag ingat sa baha. Nakahanda naman aniya ang pamahalaan na magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.