DAGUPAN CITY – Naka develop ang mga scientists ng pinakamaliit na pacemaker sa mundo , isang wireless na device na kasinglaki ng butil ng bigas.

Ito ay may sukat na 1 millimeter ang kapal at 3.5 millimeters ang haba, at may kakayahang mag-dissolve sa katawan pagkatapos gamitin, na nagbibigay ng alternatibong solusyon sa mga pasyenteng hindi na kailangang sumailalim sa karagdagang operasyon.

Bagamat ilang taon pa bago ito masubukan sa tao, itinuturing itong isang “transformative breakthrough” na maaaring magbukas ng bagong oportunidad sa larangan ng medisina.

--Ads--

Naglalayon itong tulungan ang mga bata na ipinanganak na may congenital heart defects at nangangailangan ng pansamantalang pacemaker pagkatapos ng operasyon.

Maaari rin itong gamitin sa mga matatanda habang nagre-recover mula sa operasyon sa puso.

Nabatid na ang pacemaker, na kasalukuyang may mga wires na nakakabit sa katawan ay minsan ay nagiging sanhi pa umano ng pinsala kapag tinanggal.

Samantala inaasahan ng mga siyentipiko na mapapakilala ito sa publiko sa 2026 o 2027.

Sa ngayon, ang pacemaker ay epektibong gumagana sa mga pagsusuri sa mga daga, mga hayop, baboy, aso, at tisyu ng puso ng tao sa laboratoryo.