BOMBO DAGUPAN – Nakakaranas ngayon ng napakalaking wildfire na lumaki pa ng 8 sq miles kada oras (20 sq km) habang kumakalat ito sa mga bahagi ng hilagang California, USA.
Ang sunog na pinaghihinalaang isang uri ng arson, ay nakaapekto na sa higit sa 348,000 ektarya ng lupain sa hilagang-silangan ng Chico.
Humigit-kumulang 2,500 mga bumbero ang tulong tulong na nag aapula sa sunog.
--Ads--
Isang 42-anyos na lalaki ang inaresto dahil sa hinalang nagpanimula sa sunog sa pamamagitan ng paggulong ng isang nasusunog na kotse sa isang gully malapit sa Alligator Hole sa Butte County.
Ito na ang pinakamalaking sunog sa estado sa taong ito.
Inihayag ni Cal Fire incident commander Billy See na kumakalat ang apoy sa bilis na 5,000 ektarya kada oras.