Milyong mga tao ang nagtitipon sa hilagang lungsod ng Prayagraj sa estado ng Uttar Pradesh sa India upang makibahagi sa Mahakumbh Mela, ang pinakamalaking pagtitipon ng sangkatauhan sa buong mundo.

Ang mga debotong Hindu mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay patuloy na dumarating upang maligo sa banal na tubig sa Sangam – ang pinakamahalagang ilog ng India na Ganges at Yamuna, pati na rin ng mitolohikal na Saraswati.

Naniniwala ang mga Hindu na ang paglublob sa banal na tubig ay naghuhugas ng mga kasalanan ng tao.

--Ads--

Nagtayo ang mga awtoridad ng isang malawak na lungsod ng mga tolda na sumasaklaw sa 4,000 hektaryang lupa sa tabi ng mga ilog upang silongan ng mga bisita.

Dito ay isinasawa ang makulay at malalaking prusisyon, kumakanta at sumasayaw habang naglalakbay.