Pinaghahandaan na ngayon ng bayan ng Bayambang ang pagbubukas sa publiko ng pinakamalaking istatwa ng kanilang patron saint na si St. Vincent Ferrer.
Ayon kay Rafael Saygo, tourism Officer sa nabanggit na bayan, napagdesisyonan umano ng kanilang lokal na pamahalaan na bigyan ng pagpupugay ang kanilang tumatayong parokya lalo na’t kanilang
Ikinatuwa ng nabanggit na opisyal ang naging plano ng kanilang pamahalaan kung saan inaasahang mas malaki at mas mataas pa aniya sa Statue of Liberty ng New York at Christ the Redeemer sa Brazil.
Inaasahan naman na magiging tourist spot ang Bayambang sa oras na maisakatuparan at mabuksan na sa publiko ang nabanggit na proyekto. Naniniwala din si Saygo na magiging daan din ito upang lumalim pa ang debosyon ng mga romano katoliko partikular na kay St. Vincent.
Samantala, target ng LGU Bayambang na mapasali sa Guiness Book of World Records ang ipinatayong pinakalamaking istatwa ng kanilang santo. with report from BOMBO Framy Sabado