Mga kabombo! Anong gagawin mo kung ikaw ay makaharap ng isang ahas na hindi pangkaraniwan ang laki o haba nito? Kakaripas ka rin ba sa takot?

Paano nalang kung ang makita mo ay ang isang reticulated python na nadiskubre sa Maros Region sa Indonesia?

Kumpirmado kase na ito ang punakamahabang wild snake sa buong mundo, ayon sa Guinness World Records.

--Ads--

Batay sa mga nakalap nilang ebidensya, umaabot ito sa habang 23 feet at 8 inches.

Kasalukuyan na itong nasa pangangalaga nina conservationaist Budi Purwanto, licensed snake handler Diaz Nugraha, at natural history photogrpaher Radu Frentiu.

Kanilang hinanap ito matapos makarinig ng mga sabi-sabing mayroon umanong gumagalang napakahabang ahas.

Kanila naman itong pinangalanang Ibu Baron, o “The Baroness.”

Ang ganitong uri ng ahas ay tipikal na umaabot ang haba ng 9 feet & 10 inches hanggang 19 feet & 2 inches.