Ipinagmalaki ni Chris Nievarez, Philippine Representative for Rowing sa Tokyo Olympics na malaking karangalan sa kanya ang naipakita niya sa pagpasok niya sa quarterfinals sa Tokyo Olympics.
Masaya umano siya sa resulta at babawi daw siya sa susunod na Olympics.
Una rito ay pasok ang Pinoy rower quarterfinals ng men’s single sculls event sa Tokyo2020 Olympics matapos pumangatlo sa preliminary heats ng kompetisyon.
Paglalahad nito na bago ang Olympics ay naging mahirap ang situwasyon dahil sa lockdown ay hindi sila agad nakapag sanay.
Itinuturing niyang pinakamagandang karanasan ang makalahok sa Tojyo Olympics.
Ito aniya ang unng pagkakataon na sumali sa pinakamalaking event at nagpapasalamat naman siya sa mga suporta kahit hindi gaanong kilala ang rowing sa ating bansa.