Isang lalaki mula sa Minnesota ang bumisita sa Ireland at huminto sa isang kilalang ice cream shop upang tangkain makamit ang titulo para sa pinakamabilis sa pagkain ng isang 130-gram ice cream cone.

Mula Spring Lake Park, nagtungo si Jame Clark sa Dun Laoghaire para higitan ang 24.97 seconds na record.

Walang binatbat ang lamig ng isang ice cream sa mainit na pagtatangka ni Clark nang makapagtala siya ng 24.72 seconds.

--Ads--

Hindi pa opisyal na natatanggap ni Clark ang titulo dahil kailangan pa itong sumailalim sa Guinness World Records at sertipikahan ito.

Ayon sa kaniya, kung sakaling magtagumpay ay ito na ang kaniyang ika-35 na Guinness World Record Title.