Dagupan City – Tinawag na disinformation ng political analyst ang isinusulong na imbestigasyon kaugnay sa umano’y “delivery scheme” na kinasasangkutan ng ilang dating military personnel.
Ayon kay na Michael Henry Yusingco, political analyst mahalagang malinaw kung ang naturang hakbang ay tunay na in aid of legislation, lalo na kung ito ay isinasagawa sa loob ng lehislatura.
Iginiit niya na kung walang malinaw na layuning makabuo o makapag-amyenda ng batas, maaaring hindi makatwiran ang paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa naturang imbestigasyon.
Dagdag pa nito tila isa lamang umano itong disinformation na may layuning guluhin ang umiiral na political discourse sa bansa.
Binigyang-diin din ni Yusingco na kung may konkretong ebidensiya o seryosong akusasyon, mas nararapat umano itong idaan sa tamang proseso at hindi agad inilalabas sa pamamagitan ng press conference.










