Dagupan City – Nananatiling parin sa evacuation center ang ilang mga residente at pamilyang naapektuhan ng bagyong Pepito sa ilang parte ng Dagupan partikular na sa bahagi ng Barangay Bonuan Gueset at Barangay Malued.

Umabot sa pinagsamang 166 na pamilya o katumbas ng nasa 553 na mga indibidwal evacuees ang kasalukuyan paring nanunuluyan sa North Central Elementary School sa Barangay Bonuan Guest at Malued Elementary School sa Barangay Malued.

Ayon kina Katerine Paras at Librada Delos Reyes ang Barangay Health Worker sa Brgy. Bonuan Gueset na nagkaroon sila ng evacuees sa North Central Elementary School ng nasa 136 family o nasa 451 indibidwal.

--Ads--

Kinabibilangan ito ng mga sitio gaya ng Dupax, Maligaya, DasmariƱas, Tondaligan, Caniogan, Bangus ville, Red cross, Purok Pagkakaisa at Gawad Kalinga.

Anila na ang bilang ng mga nag-evacuate ay mga nagkusa dahil bago pa lamang manalasa ang bagyo ay bumisita na ang kanilang grupo sa mga kabahayan lalo na sa malalapit sa dagat dahil sila ang lubos na apektado sa banta ng pagtaas ng tubig.

Dagdag pa nila na wala naman sa ngayon ang nagkakasakit dito at sapat ang mga pagkain na binibigyan sa mga ito.

Inaasahan naman na kapag bumuti at humupa tubig sa ilang kabahayan na naapektuhan ng baha ay makauwe na ang ilan sa mga indibidwal ngunit kung hindi pa ay magtatagal pa sila dito.

Samantala, ayon kay Pheng Delos Santos ang Punong Barangay ng Barangay Malued na nagkaroon ang kanilang barangay ng evacuees na nasa 30 pamilya o katumbas ng 102 pamilya. Kinabibilangan naman ito ng ilang sitio sa barangay gaya ng Zone 1, Sitio Fishery

Claveria road at Kalye dos dahil sa isinagawa nilang pre-emptive evacuation. Mayroon din aniya sana sa Sitio Clarin ngunit hindi nagtuloy dahil pinakiramdaman ang magiging lagay ng tubig baha sa kanilang sitio.

Sa ngayon may mga nagkakasakit na mga bata dulot ng malamig na panahon dahil marami sa mga evacuees ay mga bata ngunit natututukan naman nila ito maging mga gamot at pagkain.

Kaugnay nito, wala namang masyadong gaanong nasirang kabahayan kung mayroon man ay mga light materials na madaling matangay ng hangin at wala namang nasaktan o nasugatan dahil sa bagyo.

Saad pa niya na ang nakaharap lamang nilang problema ay ang pagiging matigas ang ulo ng ilang mga indibidwal na mag-evacuate.

Samantala, kung susumahin umano ang bilang ng kanilang evacuees ngayon ay mas marami ang nakapag-evacuate noong Bagyong Julian na umabot sa higit 100 pamilya habang ang mga sumunod na bagyo ay halos kaparehas lang ang mayroon ngayon. (Oliver Dacumos)