Iniimbestigahan na ng kapulisan ang pinaghihinalaang drug den sa Brgy. Nalcian sa bayan ng Calasiao matapos makumpiska ang maraming bilang ng drug paraphernalia sa apat na katao.

Una rito, nagsagawa ng implimentasyon ng search warrant ang mga pulis laban sa nagngangalang Michael Panay dahil sa baril na nasa pangangalaga nito. Ngunit naaresto rin sa tahanan nito ang tatlo pa nitong kasamahan na kinilalang sina Raffy Soriano, Richard Villacorta at Teofilo Villacorta matapos makumpiska ang nasa 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P80,000 hanggang P100,000.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lt. Col. Franklin Ortiz, hepe ng Calasiao PNP, sinabi nito na maaaring paulit-ulit na ginagamit ang lugar dahil na rin sa maraming bilang ng drug paraphernalia na kanilang narecover.

--Ads--
Lt. Col. Franklin Ortiz, OIC-COP Calasiao PNP

Tinitignan naman nila kung distributor ng iligal na droga ang tatlong kasama ni Panay ngunit nilinaw naman ng opisyal na walang kinalaman ang mga nasabing suspek sa apat na Chinese national na nahulihan ng 124 milyong halaga ng shabu kamakailan sa syudad ng Urdaneta.


Giit naman ni Ortiz na nananatiling drug free ang kanilang bayan dahil mga dayuhan o residente sa mga kalapit na bayan ang mga nahuhuli nila sa kanilang mga operasyon kontra iligal na droga.