Dagupan City – Nakahanda na ang mas pinagandang Puyao River Picnic Ground sa bayan ng San Nicolas para sa darating na summer vacation.

Handog ito ng lokal na pamahalaan para sa mga bisita at turista upang mapalakas ang mayamang turismo sa bayan at maipakita ang isa sa mga nakatagong hiyas nito.

Libre ang pagpasok sa pook pasyalan ngunit mayroong option na magrenta ng kubo sa halagang ₱500.

--Ads--

Tampok dito ang isang nakamamanghang tanawin ng bundok at ilog habang maari mo ring maranasan ang pagtawid sa hanging bridge.

Isa sa mga bagong makikita dito ay ang inayos na photo spot na patok sa mga pamilya, loveones, kaibigan at iba pa na may nakalagay na salitang “WOW PUYAO” na tiyak na maghahatid ng magandang ala-ala sa larawang makukuhanan ng mga bisita.

Perpekto ito para sa mga nais magpakuha ng litrato, mag-enjoy sa sariwang hangin, at magpalamig sa tubig ng Ilog Puyao.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na magiging isang sikat na destinasyon ang Puyao River Picnic Ground at magdudulot ng dagdag na kita sa komunidad.