Umaabot sa 4.41 milyong international visitor arrivals ang naitala sa Pilipins mula Enero hanggang Agosto 2026, mas mataas ng 0.78 porsiyento kumpara sa 4.38 milyon na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Nanguna ang United States sa mga pangunahing pinagmumulan ng mga bisita sa bansa, na may 926,575 arrivals o 20.98 porsiyento ng kabuuang bilang, sinundan ng South Korea na may 744,732 arrivals o 16.86 porsiyento.
Sinabi ng DOT na nagbibigay ang open data platform ng real-time access sa publiko sa mahahalagang tourism indicators, kabilang ang bilang ng mga dumarating na bisita, paglalakbay ng mga Pilipino sa ibang bansa, ambag ng turismo sa ekonomiya at employment.
Ayon kay DOT Secretary Dita Angara-Mathay, ang mas malawak na access sa tourism data ay makatutulong sa mga lokal na pamahalaan, negosyo at publiko upang mas maunawaan ang kalagayan, pagganap at mga oportunidad sa sektor ng turismo.
Nagsimula ang visitor arrival data sa dashboard ng ahensya noong 2010, habang saklaw ng outbound traveler data ang panahon mula 2023 hanggang 2025.
Pinagsasama-sama ng dashboard ang international visitor arrivals gamit ang eTravel records mula sa records ng Department of Information and Communications Technology at Bureau of Immigration.
Sinusubaybayan rin ng platform ang tourism direct gross value added na nagpapakita ng ambag ng sektor ng turismo sa ekonomiya at kung paano ito nahahati sa iba’t ibang industriya, gaya ng accommodation, transport at food and beverage services.










