Nakamit ng Pilipinas ang unang medalya nito sa 2026 Asian Games matapos magwagi ng bronse ang women’s team sa soft tennis, binubuo ang koponan nina Hilary Paas, Princess Catindig, Noelle Mañalac, Christy Sanosa, at Shyryn Salazar.

Nasungkit ng kupunan ang bronze matapos matalo sa host country na Japan, sa score na 0-2, sa semifinals.

Sa kabila ng pagkatalo, naging makasaysayang tagumpay ito para sa bansa bilang unang medalya ng Pilipinas sa edisyon ng 2026 Asian Games na ginaganap sa Aichi-Nagoya, Japan.

--Ads--

Sa kasalukuyang medal tally nasa ika–19 na puwesto ang Pilipinas.  | Bombo Ivan Rizada