BOMBO DAGUPAN – Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na mayroong 175 na active fault ang Pilipinas at kabilang na rito ang West Valley Fault na maaaring magdulot ng pagyanig.

Ayon kay PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol, ang naturang mga active fault sa Pilipinas ay maaaring gumalaw sa pagitan ng 400 hanggang 600 years o sa 2058.

Bunga nito, dapat aniyang seryosohin ng publiko ang pagsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

--Ads--

Ito ay para mapaghandaan ang posibleng pagtama ng magnitude 7.2 na lindol o ang “the big one.”