BOMBO DAGUPAN – Kahiya hiya tayo. Ganito isinilarawan ni Josua Mata, Secretary General, Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa(SENTRO) kaugnay sa pagkakasama ng Pilipinas sa top 10 Worst countries for workers for 8th consecutive year.
Ayon kay Mata, ibig sabihin ay hindi pumasa ang bansa sa sukatan ng standards ng International Labor Organization o ILO sa aspeto ng karapatan ng mga mangagagawa.
Malaki ang implikasyon sa trade and investment ang mahusgahan ang bansa na isa sa sampung pinakamalalamg bansa sa buong daigdig pagdating sa pagtrato sa karapatan ng mga manggagawa.
Malaki ang epekto nito lalo pa ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay umiikot sa ibat ibang bansa at nanghihikayat ng mga investor subalit, dahil sa pagkakabilang ng bansa sa nasabing listahan ay posibleng mas pipiliin nila na maglagak ng puhunan sa ibang bansa.
Dagdag ni Mata na maraming dapat gawin ng pamahalaan para mapaangat ang kalagayan ng bansa kung saan ay dapat na siguraduhin na maipasa ang ilang partikular na batas para ma re allign ang labor code ng bansa.