Binigyang-diin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na hindi mahuhulog sa tinatawag na ‘China Debt Trap’ ang Pilipinas kaugnay sa pag-utang nito ng pera mula sa China para pondohan ang mga proyektong imprasktraktura katulad ng Chico Dam projects.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Esperon, sinabi nito na kayang-kaya ng Pilipinas na bayaran ang utang nito sa bansang China dahil nasa $12 billion ang pumapasok na investments dito sa bansa kumpara sa anim na bilyong dolyar na utang.

Siniguro rin ni Esperon na malabong mangyari ang ganitong senaryo dahil kilala umano ang Pilipinas bilang bansa na may magandang track record pagdating sa pagbabayad ng mga foreign loans.

--Ads--
National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Una ng tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang at ng Department of Finance na hindimalulubog sa utang ang Pilipinas sa China. with reports from Bombo Badz Agtalao